Diyos Na Walang Hanggan

Patuloy akong maniniwala

Na Ikaw, Diyos ko at Bathala

Ang magtutupad ng aking mga panalangin

Kasabay ng mga salitang ibinubulong sa hangin

Na sa bawat pagpikit ng mga mata

Pagdilat nito ay may kaakibat na pag-asa

Walang kasiguraduhan―alam ko

Pero pag-ibig Mo ang hawak ko

Pag ibig na siyang tanging lakas

At nagbibigay liwanag sa haharaping bukas

Walang kasiguraduhan― alam ko

Ngunit panghahawakan ko ang pangako Mo

Hindi Ka magbabago

Kakapit at panuloy na manunuyo

Hindi Ka mang-iiwan

Nasa tabi lang Kita magpakailanman

Hindi ka susuko

Dahil mahal Mo ako

At kahit walang kasiguraduhan

Susugal ako

Hindi dahil gusto ko―pero dahil tinawag Mo ako

Tutugunan ko ang tawag Mo

Hindi man sigurado

Pero may tiwala ako Sa’yo

Kaya kahit hindi ko alam

Kung ano ang mayro’n sa kinabukasan

Tatahakin ko ang daan—

Maging Iyo,

Masagot ang tawag Mo,

Magsilbi Sayo,

At maipaglaban ang pag-ibig Mo

Oo, walang kasiguraduhan

Pero Ikaw―

Ikaw ang nakaraan, kasalakuyan, at

Bukas na walang hanggan.

diyos na walang hanggan

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s